O Bituin na nagniningning,
Bigyan katuparan mo ang aking mga hiling
O Tala, sana kahilingan ko’y matupad sa panahon mandin
Upang maibsan ang aking mga suliranin.
O Bituin na kumikislap,
Bigyan mo ako ng buhay na walang hirap
O Tala, tuparin mo ang aking mga pangarap
Nandito lang ako nagnanais sa iyong harap.
O Bituin na gumagabay,
Bigyan mong liwanag ang aking buhay
O Tala, ang aking buhay lagyan mo naman ng kulay
Para ako’y maging masayang tunay.
Comments
Post a Comment